VP Leni sa panghihikayat sa publiko na magpa-COVID test: “Tulong hindi kulong”

Sa halip na magbanta, dapat na magbigay na lamang ng tulong at insentibo ang pamahalaan para mahikayat ang mga taong magpa-test kontra COVID-19.

Pahayag ito ni Vice President Leni Robredo kasunod ng babala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pagmumultahin o ikukulong ang mga symptomatic at close contacts ng COVID-19 patients na tatangging sumalang sa swab test.

Inihalimbawa ni VP Leni ang programa ng kanyang opisina — ang Swab Cab — na bukod sa pagbibigay ng libreng COVID-19 testing, nakakatanggap din ang mga residente ng dalawang kilong bigas at care kits para makumbinse silang magpatest.


Sa loob ng ilang buwan, nakapag-test ng libo-libong Pilipino ang OVP sa Quezon City, Malabon, Marikina; Imus, Cavite; Naga City, Camarines Sur; Tuguegarao, Cagayan Province; Cebu at Palawan.

Facebook Comments