Tiniyak ni Vice President Leni Robredo na ilalabas niya ang report tungkol sa mga natuklasan niya sa war on drugs.
Ito’y matapos ang 19 na araw na panunungkulan bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, ipinaliwanag ni Robredo ang kaniyang findings, na makakatulong sana sa pagpapabuti ng implementation ng Anti-Drug Campaign.
Giit ng Bise Presidente, hindi nabasa ni Pangulong Duterte ang dalawang report na isinumite niya, kaya isasapubliko na lamang niya ito.
Itinanggi rin ni Robredo na inimbitahan niya ang isang International Prosecutor para imbestigahan ang war on drugs.
Sinubukan rin niyang magpasa ng ikatlong report sa Pangulo bago siya sinibak sa ICAD.
Nanindigan din si Robredo na hindi ang kanyang trabaho ang pinag-ugatan ng gusot.
Hindi rin papatulan ng Bise Presidente ang mga tirada ng Pangulo laban sa kanya.
Sinabi ni Robredo na patatapusin muna niya ang pagdaraos ng 30th Southeast Asian Games bago ilabas ang report.
Aniya, mahalagang mabigyan muna ng suporta ang ating mga atleta.