Mariing tinututulan ni Vice President Leni Robredo ang resolusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na alisin ang RT-PCR test bilang travel requirement.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na ang hakbang na ito ay posibleng magresulta ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 cases lalo na sa mga lugar na may mababang infection.
Sinabi ni Robredo, na ang mga biyahero ay mayroong responsibilidad na tiyaking hindi sila carriers ng COVID-19.
Sa ilalim ng IATF Resolution No. 101, ang mga traveler ay hindi na kailangang sumailalim sa COVID-19 testing maliban na lamang kung i-require ng LGU bago ang kanilang pagbiyahe.
Facebook Comments