VP Leni, umarangkada sa Pulse Asia survey

Damang-dama na ang tindi ng suporta ng publiko sa kandidatura pagkapresidente ni Vice President Leni Robredo, matapos lumabas ang pinakahuling Pulse Asia survey.

 

Ayon sa survey, tumalon sa 24 percent ngayong buwan ng Marso ang mga gustong bumoto kay Robredo mula sa 15 percent noong buwan ng Pebrero.

 

Nakita rin sa survey na dumami ng 16 na porsyento ang mga kabataan, habang dumami ng 19 na porsyento ang mga nakatatanda na pumipili kay Robredo bilang susunod na pangulo.


 

Ayon kay Attorney Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, ipinapakita lang nito ang matagal nang nararamdamang tindi ng suporta para kay Robredo sa mga rally, at pagtutulungan ng volunteer groups iba’t ibang probinsya para ikampanya siya.

 

Dagdag pa ni Gutierrez, na kay Robredo ang momentum at inaasahan pang lalakas at dadami ang mga magpapanalo sa kaniya sa halalan sa Mayo 9.

Facebook Comments