VP MANUAL RECOUNT | 4 na head revisors ng PET, bumitaw! ; Manual recount sa election protest ni dating Senador Bongbong Marcos, tuloy pa rin!

Manila, Philippines – Kinumpirma ng insider sa Korte Suprema na nagbackout na sa manual recount ang apat na head revisors ng Presidential Electoral Tribunal.

Kaugnay ito ng ginagawang recount may kinalaman sa election protest ni dating Sen. Bongbong Marcos.

Hindi naman binanggit ng source kung ano ang dahilan ng pagbibitaw ng apat na PET head revisors.


Sa kabila nito, nagpapatuloy pa rin ang recount dahil may mga
Umu-upo namang alternatibong head revisors.

Samantala, umaabot na sa labing isang ballot boxes ang nabuksan sa pagpapatuloy ng manual recount.

Facebook Comments