VP Robredo, balik-opisina na bukas

Natapos na ni Vice President Leni Robredo ang kanyang mandatory 14-day quarantine.

Matatandaang nag-quarantine ang pangalawang pangulo noong August 25 matapos na ma-expose sa kanyang staff na nagpositibo sa COVID-19.

Bukas, September 6, balik-trabaho na ulit sa kanyang opisina si Robredo.


“Monday last week, alam ko na na negative ako kasi nag-RT PCR ako pero yung protocol kasi kahit nagnegative ka na, kailangan mong tapusin yung 14 days na quarantine,” ani Robredo sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila.

“Last day ko ngayon Ka Ely. Bukas, regular schedule na ako… sa opisina na ulit ako.”

Kasabay nito, binigyang-diin ng bise presidente ang kahalagahan ng pagsunod sa health protocols lalo na sa mga opisina para maiwasan ang hawaan ng virus.

Inihalimbawa niya rito ang protocol sa Office of the Vice President (OVP) kung saan bawal kumain nang sabay-sabay o magkakasama ang mga empleyado.

“Kapag kumakain nang sabay sabay doon nagkakahawaan kasi tinanggal mo ‘yung mask,” aniya.

Nabatid na ilang beses nang na-expose si Robredo sa COVID-19 positive patient pero hindi pa siya nagpopositibo sa sakit.

Facebook Comments