Sinagot ni Vice President Leni Robredo ang kanyang mga kritiko na nagsasabing ginagamit nito ang kalamidad para lamang sa photo opportunity.
Giit ng Bise Presidente, importante ang personal presence ng mga opisyal ng gobyerno na tulad niya sa relief operations kapag may mga kalamidad.
Naniniwala siyang nakakapagbigay ito ng pag-asa at kasiguruhan sa mga taong naapektuhan ng kalamidad na hindi sila nakakalimutan ng pamahalaan.
Matatandaang personal na pumunta si Robredo sa Camarines Sur, Albay at Catanduanes upang alamin ang lawak ng pinsalang iniwan ng Bagyong Rolly at nag-abot ng tulong sa mga apektadong pamilya.
Facebook Comments