VP Robredo, bukas sa dinner inivitation ni P-Duterte

29
Manila, Philippines -Bukas si Vice President Leni Robredo sa imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa isang dinner kasama ang kanyang pamilya.
 
Ito ay sa kabila ng babala ni Sen. Antonio Trillanes sa bise presidente na isa itong patibong upang siya ay patahimikin.
 
Ayon kay Robredo – bagamat alam nito ang pangamba ng marami, nasa mandato aniya at obligasyon nila ng pangulo na kahit mayroong silang hindi napagkakasunduan ay dapat pa rin silang magka-isa para sa bayan.
 
Isa naman sa mga ipaparating ni Robredo kay Duterte sa nasabing dinner meeting ay ang pangamba nito sa ilang polisiya na ipinapatupad ng administrasyon.
 
Nag-ugat ang imbitasyon ni Duterte kay Robredo ng muli silang magkasama pagdalo sa graduation ng Philippine National Police Academy noong Biyernes.

Facebook Comments