Wala pa ring desisyon si Vice President Leni Robredo sa kanyang magiging plano sa 2022 elections.
Ayon kay Robredo, hindi madali ang pagtakbo sa pagkapangulo dahil marami ang kailangang ikonsidera.
“Wala pang desisyon kasi madali lang sabihin na kakandidato akong presidente o hindi ako kakandidatong presidente. Pero marami kasing considerations,” sabi ni Robredo.
Isa rin sa tinitingnan ni Robredo ay ang kanyang ratings sa mga survey.
Punto pa ng bise presidente na kailangang marami ang resources kapag tatakbo sa pagkapangulo.
Facebook Comments