Cauayan City, Isabela- Pinaalalahanan ni Atty Beng Sardillo si dating senador “Bong Bong” Marcos na huwag kalimutang mula sa Camarines Sur si Vice President Leni Robredo.
Ito ay kaugnay sa protesta ni dating senador Bongbong Marcos sa nakaraang vice presidential election noong 2016.
Sa naging panayam ng RMN Cauayan sa programang Straight to the Point, sinabi ni Atty. Beng Sardillo na ang Camarines Sur na isa sa tatlong pilot provinces sa kasalukuyang recount ay kahalintulad lamang ito sa mismong lugar ni Marcos na Ilocos Norte na lumamang ng malaki ang may balwarte dito.
Sa Camarines Sur ay mayroong abante na 600, 000 na boto si VP Robredo noong nakalipas na halalan kontra sa noon ay kanyang katunggali na si Senador Bongbong Marcos.
Magugunita na noong nakalipas na halalan ay 263, 479 ang lamang na boto sa buong bansa ni Vice President Leni Robredo kay dating Senador Bongbong Marcos.
Sa kasalukuyan recount ay nasa 90 presinto pa lamang ang nabubuksan sa kabuuang 1,814 na presinto sa unang pilot area na Camarines Sur. At ito ay mas mababa pa sa 10 porsiyento sa kabuuang bilang ng mga presinto sa naturang lalawigan.