VP Robredo, hinikayat ang karagdagang bakuna at testing sa labas ng NCR

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang national government na itaas ang COVID-19 testing at magpadala pa ng dagdag na vaccine supplies sa mga lugar na nasa labas ng National Capital Region (NCR) na nakararanas ng pagtaas ng kaso.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na mahalagang madagdagan ang vaccine supplies at testing sa areas of concern hindi lamang sa Metro Manila pero sa buong bansa.

Bamagat binabakunahan na ang indigent sector sa Metro Manila, hindi pa rin nakakapagsimula ng vaccination sa mga senior citizens sa mga probinsya.


Dagdag pa ni Robredo na kailangang itaas ang testing sa mga lugar na may mataas na positivity.

Handa ang Office of the Vice President (OVP) na dalhin ang Swab Cabs, para mabigay ng libreng COVID-19 antigen test sa mga probinsya pero kailangang makipag-partner sa local government units (LGUs).

Facebook Comments