COMELEC, tiniyak na walang flying voters sa registration app

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na walang flying voters na makakapasok sa bagong inilunsad na mobile registration app.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang poll body ay naglagay ng kinakailangang safeguards para mapigilan ang mga pekeng botante na makapagrehistro.

Aniya, ang mga magrerehistro sa app ay kailangan pa ring pumunta sa COMELEC offices para sila ay kunan ng biometrics data.


Ang app ay inilunsad sa 575 cities at municipalities sa buong bansa.

Facebook Comments