Hinimok ng Philippine National Police (PNP) si VP Leni Robredo na magbigay ng suhestyon kung paano pa mapapaganda ang kampanya kontra droga.
Ginawa ni PNP Deputy Chief for Operations PLt. General Camilo Pancratius Cascolan ang pahayag matapos na bigyan ng bise presidente ng grado na 1 percent ang kampanya kontra droga ng gobyerno.
Sinabi ni Cascolan hindi nakikisawsaw sa politika ang PNP at ginagawa lang ang kailangang gawin sa kampanya kontra droga.
Aniya, mismong ang bise presidente narin ang nagsabi noon na nasa ayos ang Oplan Double Barrel, Double Barrel Reloaded at Double Barrel HVT noong panahon na nakaupo ito bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Kung meron aniyang komento o suhestyon ang Bise Presidente ay welcome siya na makipag-usap sa PNP at willing ang PNP na subukan ang mga mungkahi nito.