Iginiit ni Vice President Leni Robredo sa administrasyong Duterte na magpataw na ng pangkalahatang prohibisyon sa lahat ng mga biyahe galing sa bansa ng Tsina.
Pinatitiyak ni VP Leni ang pagkakaloob ng karampatang suporta sa mga Pinoy nasa mga apektadong lugar sa Tsina at kinakailangan nang sila ay ilikas.
Ani Robredo, wala nang panahon para sa mahabang usapan at mabilisang desisyon ang kailangan.
Bawat minuto aniyang ipapagbukas pa ang pag-aksyon sa mga rekomendasyong ito ay lalong naglalagay sa panganib sa kapakanan at kalusugan ng ating mga kabahayan.
Ginawa ng bise presidente ang apela kasunod ng pagdeklara na ng World Health Organization (WHO) na isang Public Health of International Concern ang coronavirus outbreak.
Facebook Comments