VP Robredo, iginiit na dapat magkaroon ng safeguards sa search warrants

Hinimok ni Vice President Leni Robredo sa hudikatura na magpatupad ng safeguards sa pag-iisyu ng search warrants.

Ito ay kasunod ng pagpatay sa siyam na aktibista sa CALABARZON noong March 7.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na dapat siguruhin ng mga miyembro ng hudikatura na hindi magagamit sa pagpatay ang mga search warrants.


Aniya, hindi dapat magamit ito sa pang-aabuso ng kapangyarihan.

Punto pa ng Bise Presidente, hindi dapat madali ang paglalabas ng search warrants dahil mayroon dapat itong proper determination sa pangyayari.

Dagdag pa ni Robredo, maging ang araw at oras ng paglalabas ng search warrant ay mayroon din dapat safeguards.

Facebook Comments