Inilunsad ni Vice President Leni Robredo ang online platform para tulungan ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ito ay tinatawag na “bayanihanapbuhay,” sinabi ni Robredo na ang online platform na ito ay libre at makatutulong sa mga naghahanap ng trabaho.
Sa pamamagitan nito, umaasa si Robredo na mapapadali na ang paghahanap ng mga jobseeker ng oportunidad.
Sa ngayon, aabot sa 2,796 job postings na ang mayroon ang online platform.
Katuwang ng Office of the Vice President ang Sikap.ph para sa bagong inisyatibo nito para tulungan ang displaced Filipino workers.
Facebook Comments