VP Robredo, itinanggi ang mga akusasyon ni alyas Bikoy

Bumuwelta si Vice President Leni Robredo sa pagdadawit ni Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ sa Liberal Party na umano’y may pakana sa planong pagpapabagsak kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng pagsuko ni Advincula sa PNP kung saan sinabi niyang scripted lahat ng episode ng “Ang Totoong Narcolist” videos na aniya’y bahagi lang ng “project sodoma” ng mga opposition senators at pitong kandidato mula sa Otso Diretso.

Giit ni Robredo – hindi niya kilala si Bikoy at kailanman at hindi niya ito nakausap o naka-text.


Pinasinungalingan din niya ang pahayag ni Advincula na ia-appoint niya si Senador Antonio Trillanes IV bilang vice president oras na umupo na siyang pangulo ng bansa.

Dagdag pa ni Robredo – kailanman ay hindi siya magiging bahagi ng anumang uri ng destabilisasyon at naniniwala siyang ‘destiny’ ang pagiging pangulo ng bansa.

Sa pagharap ni Advincula sa Camp Crame kahapon, sinabi nitong pinangakuan siya ng LP na babayaran, bibigyan ng absolute pardon sa kanyang mga kaso at bibigyan ng posisyon sa gobyerno oras na maisakatuparan ang lahat ng plano.

Pero matapos matalo ng Otso Diretso, inabandona at nilaglag na raw siya ng LP.

Facebook Comments