Mga ibinunyag ni Bikoy, dapat may kaakibat na ebidensya – Palasyo

Naniniwala ang Malacañan na kailangan pa ring maglabas ng ebidensiya ni Jomel Advincula alias Bikoy hinggil sa kanyang sinabi na ang tunay na nasa likod ng “Ang Totoong Narco List” video ay ang mga nasa oposisyon.

Kahapon ay bumaligtad si Advincula sa kanyang mga naunang pahayag kung saan itinuturo na nito ngayon ang oposisyon na utak ng viral video.

Bukod dito, sinabi pa ni Advincula na nakapulong niya ang ilang miyembro ng Otso Diretso.


Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailangang gumawa ng sinumpaang salaysay si Advincula at patunayan sa pamamagitan ng mga matitibay na ebidensiya ang kanyang mga akusasyon.

Tinawanan lang din ni Panelo ang alegasyon na ang pamahalaan ang nasa likod ng muling paglabas ni Bikoy.

Facebook Comments