VP Robredo, kinondena ang China dahil sa hindi nito pag-ako sa insidente sa Recto Bank

Ikinadismaya ni Vice President Leni Robredo ang pagtanggi ng Chinese government na sila ang may kasalanan ng paglubog ng barkong pangisda lulan ng 22 Pilipino sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Robredo – ikinukondena nila ang iresponsableng aksyon ng mga Chinese crew sa insidente.

Hindi rin niya nagustuhan ang hindi pag-ako ng China sa insidente at pag-abandona sa mga Pilipinong mangingisda sa dagat.


Giit ni Robredo – ang mga nasasangkot ay dapat mapanagot sa ilalim ng international at Philippine laws.

Hinimok din ng bise presidente ang Department of Foreign Affairs (DFA) na gumawa ng mga hakbang upang masalang sa paglilitis ang mga dayuhan.

Habambuhay namang tatanaw ng utang ng loob ang mga Pilipino sa mga Vietnamese crew na sumagip sa mga Pilipinong mangingisda.

Facebook Comments