VP Robredo, mariing kinondena ang mga pagsabog sa Jolo, Sulu

Kinondena ni Vice President Leni Robredo ang magkakasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Sa kaniyang statement, sinabi ni Robredo na ang pag-atake ay nakakakilabot sa konteksto ng pandemya na nag-iwan na ng pinsala sa kalusugan, ekonomiya at pamumuhay.

Para kay Robredo, ang pagpatay sa ganitong paraan at ganitong panahon, anuman ang motibo ay hindi makatao.


Nagpaabot ng pakikiramay ang Bise Presidente sa pamilya ng mga namatay sa insidente.

Nanawagan si Robredo sa pamahalaan na gawin ang lahat ng makakaya para mapanagot ang mga nasa likod nito.

Facebook Comments