Ikinaalarma ni Vice President Leni Robredo ang lumutang na malawakang korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, nangangamba si Robredo na maaaring hindi maibigay ang health benefits sa mga may sakit kung ninakaw ang pondo para dito.
Panawagan ng Bise Presidente sa pamahalaan na tutukan ang isyung ito.
Kaugnay nito, ikinukonsidera ni PhilHealth President and Chief Executive Officer Ricardo Morales na mag-leave mula sa trabaho sa gitna ng mga isyung bumabalot sa ahensya.
Nabatid na tatlong opisyal ng PhilHealth ang nagbitiw dahil sa nalamang katiwalian sa ahensya.
Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang anomalya sa PhilHealth at pangungunahan ito ni Undersecretary Jesus Melchor Quitain ng Office of the Special Assistant to the President.