VP Robredo, nababahala sa pagbaba ng nagagawang COVID-19 test ng PRC

Ikinababahala ni Vice President Leni Robredo ang pagbaba ng naisasagawang COVID-19 testing sa Pilipinas.

Kasunod ito ng pagpapahinto ng Philippine Red Cross (PRC) sa COVID-19 testing nito dahil sa hindi pa nababayarang utang ng PhilHealth.

Base sa ulat ni Labor Secretary Silvestre Bello III, nasa 300 overseas Filipino workers na lamang ang maximum na bilang na nate-test ng PRC kada araw kumpara sa 3000 nate-test noon.


Dahil dito, nababahala rin ang Pangalawang Pangulo na posibleng hindi tugma ang iniuulat na bagong kaso ng COVID-19 sa totoong sitwasyon sa bansa.

Aniya, baka kaya mababa ang naitatalang bagong kaso kada araw ay dahil mababa rin ang nagagawang test.

Bukod dito, nababahala rin si Robredo na pati ang ibang ospital na pinagkakautangan ng PhilHealth ay tumigil na rin sa pagsasagawa ng COVID-19 test.

“Dapat tutukan ito Ka Ely, kasi ayaw naman natin na masakripisyo halimbawa kung ang Red Cross hindi na magte-test dapat may iba na dapat mag-test. Hindi pwedeng ang dahilan dahil hindi nababayaran ng PhilHealth. Pa’no yung mga kailangang-kailangan talaga i-test?” ani Robredo sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila.

Facebook Comments