VP Robredo, nabahala sa termination ng 1989 UP-DND Accord

Nabahala si Vice President Leni Robredo sa ginawang pagbasura ng Department of National Defense (DND) sa kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) kaugnay sa hindi pagpasok sa mga kampo ng puwersa ng militar.

Sa isang statement, sinabi ni Robredo na malinaw ang mensahe ng hakbang.

Layon aniya nito na magpakita ng simbolikong pagpapakita ng aksyon na maghahatid ng takot sa mga tumutunggaling boses.


Ipinauubaya naman ni Robredo sa mga taga-UP ang pagpasiya kung paano kokoprontahin ang isyu.

Umaasa si Robredo na magkakaroon ng tapang ang mga taga-UP na manindigan at magsalita kaugnay ng usapin.

Facebook Comments