Umaasa si Vice President Leni Robredo may mayroon siyang malaking resources at malawak na mandato para matulungan ang mga lugar na sinalanta ng Bagyong Rolly.
Kahapon, bumalik ang Bise Presidente sa Camarines Sur para ipagpatuloy ang kanyang pag-iikot sa mga komunidad.
Unang pinuntahan ni Robredo ang mga bayan ng Calabanga at Pili nitong Lunes at binisita ang ilang bahagi ng Catanduanes at Albay noong Martes.
Nagtungo rin si Robredo sa coastal community sa Barangay Salingogon sa bayan ng Minalabac bago bumalik sa kanyang home province.
Nagpapasalamat si Robredo sa Angat Buhay partners at iba pang stakeholders na tumulong sa Office of the Vice President (OVP) sa pagsasagawa ng relief operations.
Facebook Comments