Vp Robredo, Nakatakdang Makipagpulong Kay Cabinet Sec. Leoncio Evasco

13

MANILA – Makikipagpulong ang kampo ni Vice President Leni Robredo kay Cabinet Secretary at ngayon ay bagong chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Commission (HUDCC) Leoncio Evasco JrAng pulong ay kasunod ng pagbibitiw ng Bise Presidente bilang chairperson ng HUDCC makaraang hindi na ito padaluhin sa cabinet meetings ng Duterte Administration.Sa interview ng RMN kay Georgina Hernandez, Spokesperson ni Robredo – layon ng pagpupulong na iapela kay Evasco na ipagpatuloy ang mga nasimulang programa ng Vice President sa HUDCC.Sa ilalim ng panunungkulan ni Robredo sa HUDCC – mas pinadali na ang proseso ng pabahay at aabot sa mahigit 46,000 housing projects ang naaprubahan.Ngayon nagbitiw na si Robredo sa HUDCC, sinabi ni Hernandez na abala ang Bise Presidente sa paglilibot sa bansa upang tulungan ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Facebook Comments