VP Robredo, nilinaw na ang COVID care kits ay para lamang sa mga pasyente ng Bayanihan E-Konsulta

Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na ang mga COVID-19 Care Kits ay ipinamamahagi lamang sa mga pasyente ng Bayanihan E-Konsulta alinsunod sa rekomendasyon ng doktor.

Ito ang sinabi ng Bise Presidente matapos makatanggap ng maraming request mula sa Office of the Vice Presidente.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Robredo na hindi namimigay ang kanyang opisina ng kits na walang rekomendasyon mula sa kanilang volunteer doctors.


Ang mga kits aniya ay naglalaman ng basic medication para sa lagnat, ubo at iba pang sintomas ng COVID.

Ang mga doktor ay dapat patnubayan ang mga pasyente kung paano iinumin ang mga gamot.

Ang mga nakatanggap ng kits ay kailangang i-monitor dalawang beses sa isang araw.

Ang OVP ay mayroong team na nagmo-monitor sa mga pasyente na nakatanggap ng kits, na naglalaman ng digital thermometer, pulse oximeter, sanitation bags, face masks, alcohol, basic medication at monitoring sheet.

Iginiit ni Robredo na limitado lamang ang supply ng kits kahit nakatatanggap sila ng mga tanong kung paano mag-donate.

Facebook Comments