VP Robredo, nilinaw na mahalaga ang survey results upang mapag-aralan ng taong bayan ang mga tatakbong lider ng bansa

Binigyan-diin ni Vice President Leni Robredo na malaki ang maitutulong ng mga survey results sa presidentiables para mapag-aralan ang gusto ng taong bayan sa isang leader na nagnanais na tumakbo sa 2022 presidential elections.

Ayon kay VP Robredo, hindi dapat isipin ng mga tao na peke ang mga resulta sa mga ginagawang survey.

Kailangan aniya itong tanggapin para malaman ang rason sa likod ng kagustuhan ng mga tao sa isang klase ng leadership.


Giit ng pangalawang pangulo, hindi dapat balewalain ang pagbabago sa pasya ng publiko.

Ang pahayag ni Robredo ay matapos siyang matanong sa isang panayam tungkol sa reaksyon nito sa pangunguna ni Davao City Mayor Sarah Duterte sa presidentiable poll ng Pulse Asia Survey.

Base sa December 2020 survey ng Pulse Asia, nasa 26% ng adult Filipinos ang susuporta sa presidential bid ni Mayor Sarah.

Kasabay nito, nilinaw ni Robredo na wala siyang planong tumakbo sa pagka-presidente sa 2022 presidential elections, pero bukas sa anumang posisyo1ng sa Malakanyang.

Ayon sa pangalawang pangulo, naniniwala siyang marami pang dapat ayusin sa pamahalaan.

Facebook Comments