Manila, Philippines – Ayaw munang magkomento at magbigay ng detalye si Vice President Leni Robredo sa imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-dinner sa malakanyang kasama ang kanyang mga anak.
Una nang kinumpirma ng Malakanyang ang imbitasyon ng pangulo kay Robredo para sa isang dinner ng magkita sila sa graduation ceremony ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite noong Biyernes (March 24).
Gayunman, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na wala pang itinakdang petsa kung kailan ang nasabing dinner.
Facebook Comments