VP Robredo, panatag sa paggulong ng counter-electoral protest nito sa Presidential Electoral Tribunal

Panatag si Vice President Leni Robredo sa paggulong ng kanyang counter-electoral protest sa Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Ito’y matapos ibasura ng PET ang first cause action ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos na kumukwestyon sa integridad ng Vice Presidential Elections.

Ayon kay Robredo – patunay ito na kinatigan ng korte na nagkaroon ng malinis at maayos na halalan.


Ipinapakita aniya sa desisyon na walang dapat ikabahala ang mga tagasuporta.

Pero paglilinaw ng PET, tuloy pa rin ang pag-usad ng protesta ni Marcos dahil may nalalabi pa itong second at third causes of action.

Ang second cause of action ay tumutukoy sa manual recount ng mga balota sa tatlong probinsya.

Ang third cause of action naman ay tumutukoy naman sa hiling ng kampo ni Marcos na mapawalang bisa ang resulta ng eleksyon para sa pagka-Pangalawang Pangulo sa mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao Del Sur.

Facebook Comments