Manila, Philippines – Plano ni Vice President Leni Robredo na magtayo ng learning center para sa mga batang bakwit.
Ito’y kasabay ng kanyang pagbisita sa mga lumikas na residente mula sa Marawi.
Ayon kay Robredo – layon nito na maipagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang naunsyaming pag-aaral dahil sa nangyaring bakbakan.
Aminado ang bise na hindi pa tiyak kung kailan makakabalik sa kanilang mga tirahan ang mga evacuee.
Pero nakahanda naman ang gobyerno para tulungan ang mga bakwit.
Kasabay nito, nakipagpulong din si Robredo sa Dept. of Health (DOH) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para alamin ang sitwasyon sa mga evacuation centers at pagpapamahagi ng mga relief goods.
Facebook Comments