VP Robredo, posibleng ma-impeach – PACC

Manila, Philippines – Nagbabala ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na posibleng mapatalsik si Vice President Leni Robredo.

Ito ay dahil sa panghihimasok niya sa usapin ng impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PACC Commissioner Manuelito Luna – pwedeng ma-impeach si Robredo sa pagtutulak niya sa House Minority na magsampa ng impeachment complaint laban sa Pangulo.


Kaugnay ito sa pahayag ng Pangulo sa nangyari sa mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank.

Matatandaang sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila nitong Linggo, inilarawan ni Robredo ang paghahain ng impeachment complaint bilang isang political act kaya malakas ang kampo ng Pangulo at dahil sa hawak niya ang supermajority sa Kongreso.

Sa kabila nito, sinabi ni Robredo na dapat ipinaglalaban pa rin ng minorya kung ano ang tama.

Facebook Comments