Panahon sa mga susunod na araw, unti-unting ng gaganda

Unti-unting gaganda na ang panahon sa mga susunod na araw.

Ito ay dahil hinahatak ng isang Low Pressure Area (LPA) na nasa West Philippine Sea (WPS) ang southwest monsoon o hanging habagat papalayo ng bansa.

Pero asahan ang maghapong ulan sa Bataan, Zambales at Mindoro at Palawan habang sa hapon ay uulanin na rin ang ilang bahagi ng hilagang Luzon.


Maaliwalas na rin ang panahon sa buong Kabisayaan at Mindanao subalit may mga isolated thunderstorms pa rin.

Sa Metro Manila, maulap at may mga tiyansa lamang ng mahihinang ulan.

Sunrise: 5:31 ng umaga

Sunset: 6:29 ng gabi

Facebook Comments