Manila, Philippines – Sinupalpal ni Vice President Leni Robredo si Ilocos Norte Governor Imee Marcos dahil sa pagiging sinungaling.
Nabatid na iginigiit ni Marcos na nakapagtapos siya bilang cum laude sa University of the Philippines (UP) College of Law at nakakuha ng master’s degree sa Princeton University sa Estados Unidos.
Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila – bagamat hindi niya pinangalanan, binatikos ni Robredo si Governor Marcos sa hindi pagkasa sa senatorial debate para linawin ang isyu.
Una nang pinabulaanan ng dalawang unibersidad ang mga pahayag ni Marcos hinggil sa kanyang educational credentials.
Si Marcos ay pumasok sa UP Law School at Princeton pero walang records na nagpapakitang ginawaran ang gobernadora ng anumang degree mula sa dalawang eskwelahan.