VP Robredo, tutol sa pagre-revoke ng scholarships sa mga estudyanteng sumasali sa rally

Manila, Philippines – Tinutulan din ni Vice President Leni Robredo ang panukala ni National Youth Commission Chairperson Ronald Cademan na i-revoke ang scholarships ng mga estudyanteng nagpo-protesta laban sa gobyerno.

Ayon kay Robredo, isang human rights lawyer – nangungunang tumatayo ang mga kabataan na lumaban at manindigan.

Binanggit ni Robredo ang mahalagang papel ng mga kabataan noong martial law at EDSA People Power Revolution.


Banat pa ni Robredo – tila nais ng NYC ang mga kabataang Pilipino na maging sunud-sunuran sa kung anuman ang ipag-utos sa kanila.

Para sa Bise Presidente ang mga ganitong panukala ay pumipigil lamang sa malayang paghahayag ang kanilang paniniwala at opinyon.

Facebook Comments