VP Robredo, walang balak na alisin ang Oplan Tokhang

Nilinaw ng kampo ni Vice Presodent Leni Robredo na wala silang balak na tuluyang alisin ang Oplan Tokhang.

Sa pulong ng Pangalawang Pangulo sa International Narcotics Law Enforcement Affairs ng United Nations, Drug Enforcement Administration, Federal Bureau of Investigation at USAID, ibinahagi rito ang mga programa para masawata ang ilegal na droga.

Inilatag din ang mga suhestyon kung paano pa mapapaigting ang kampanya gaya ng pagkakaroon ng baseline data sa sitwasyon ng droga sa bansa, pagrepaso sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, at pagpapalakas ng Community Bases Rehabilitation.


Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, ang nais nilang maalis ay ang kultura ng ‘patayan’ sa drug war.

Facebook Comments