Bukas si Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio na makipagdiyalogo sa mga guro kasunod ng hamon ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC).
Layon nito na matalakay ang ilang mga usaping bumabalot sa sektor ng edukasyon.
Ayon sa pangalawang pangulo, tulad ng kanilang sinabi kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong huling magpulong ang gabinete, kailangang pairalin ang diplomasiya sa trabaho.
Una nang inihayag ng TDC na nais nilang i-apela kay VP Sara na iurong ang pagsisimula ng klase sa buwan ng agosto gayundin ang full scale ng face-to-face classes sa Nobyembre.
Nanindigan si Duterte na nakakasa na ang plano at wala na itong atrasan.
Facebook Comments