Mahigit 1,000 pamilya, apektado ng forest fire sa Morocco; isang indibidwal, naitalang nasawi!

53
Courtesy: Al-Monitor

Nasa mahigit 1,000 pamilya ang apektado sa forest fire sa Larache, Morocco.

Habang nakapagtala na rin ng isang indibidwal na nasawi dahil sa naturang insidente.

Nagtamo ng multiple burns ang katawan ng namatay nang matagpuan ito.


Ayon sa mga otoridad, sinira ng apoy ang nasa 1,600 ektarya ng pananim sa probinsya ng Larache, Quezzane, Taza at Tetouan.

Sa ngayon, apat ng Canadair planes ang idineploy ng army para bombahan ng tubig ang apoy.

Facebook Comments