
Dismayado si Vice President Sara Duterte sa pagbasura ng Kamara sa impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
Sa ambush interview sa Davao City, inisa-isa ni VP Sara ang mabibigat na grounds para maimpeach si PBBM.
Kabilang dito ang pagpirma ng presidente sa budget insertions sa 2025 National Budget at ang aniya’y mga report hinggil sa paggamit ng iligal na droga ni PBBM.
Sinabi ni VP Sara na malinaw sa kanilang panunumpa sa tungkulin na ipi-preserba at idedepensa nila ang Konstitusyon.
Gayunman, paano aniya ito magagawa ng isang lider ng bansa kung wala siya sa tamang pag-iisip.
Facebook Comments










