VP Sara Duterte, nagpaabot ng pasasalamat sa mga tumulong at sumuporta kaugnay sa nangyari sa kaniyang mga kawani

Nagpasalamat si VP Sara Duterte sa mga taong nakiisa, tumulong at sumuporta sa Office of the Vice President (OVP) kaugnay sa kinahaharap nitong krisis.

Pinasalamatan ng bise presidente ang mga doktor at healthcare workers na nagbigay ng tulong medikal 24 hours sa kaniyang kawani ng kaniyang opisina.

Binigyang pasasalamat din ni VP Sara si Senador Bato dela Rosa sa pagsama kay OVP Chief-of-Staff Atty. Zuleika Lopez sa Veteran’s Memorial Medical Center o VMMC noong Nobyembre 23 matapos itong ma-admit dahil sa pagsusuka at pagkahilo nito.


Nagpasalamat din si VP Sara kay Senador Bong Go at Senador Imee Marcos, sa pagtitiyak nito na magkaroon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) order para mabantayan ng bise presidente at Senador Dela Rosa ang mga kawaning nanatili sa VMMC.

Sa huli, nagbigay pasasalamat din si VP Sara sa mga media na nagpapatuloy na pagasisiwalat sa bansa at sa pagbabalita sa mga sinapit ng kawani nito.

Facebook Comments