VP Sara Duterte, pwedeng mag-abogado para sa sarili

Pinapayagan ng impeachment court ang posibilidad na mag-abogado sa sarili si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, maaaring si VP Sara ang magtanggol sa sarili sa oras na umpisahan na ang trial o paglilitis nito.

Dagdag pa ni Escudero, maging ang ama ng Bise Presidente na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay maaari din niyang maging abogado kahit pa ang mister nitong abogado rin.


Paliwanag ng mambabatas, walang legal constraints o batas na nagsasabing bawal ito.

Samantala, hinimok ni Escudero ang lahat ng mga magiging bahagi ng impeachment trial, ito man ay mga senador o kongresista, na samantalahin ang session break para pag-aralan ang mga kaso at maghanda.

Facebook Comments