
Naghain ng patong-patong na reklamo ang ilang miyembro ng civil society at mga personalidad mula sa simbahan laban kay Vice President Sara Duterte at 15 opisyal ng Office of the Vice President (OVP).
Kabilang sa mga kaso ay plunder, malversation, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act iba pa.
Kaugnay ito ng umano’y iregularidad at maling paggamit ng ₱612.5 million confidential funds.
Layunin ng reklamo na panagutin si VP Sara sa umano’y maling paggamit ng pondong dapat sana ay nakalaan para sa mga programang makabubuti sa bansa at sa sektor ng edukasyon.
Hinihiling ng grupo sa Ombudsman na imbestigahan at usigin ang mga krimen, ihanda ang kaso para sa referral sa House of Representatives para sa posibleng impeachment complaint at suspendihin ang mga opisyal ng OVP at Department of Education (DepEd) na sangkot.









