
Tinawag na asal bata at makasarili ng Palasyo si Vice President Sara Duterte dahil sa pahayag nitong alam niya ang paraan para maibaba ang presyo ng bigas pero hindi niya ito ibabahagi dahil ayaw niyang tulungan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dahil sa pahayag na ito, lumalabas ang tunay na anyo ng bise presidente at pagiging makasariling public servant.
Hindi aniya isang playground ang gobyerno at serbisyo publiko para sa mga isip bata na katulad ni VP Sara.
Giit ni Castro, dapat mangibabaw ang kapakanan ng publiko lalo kung maraming nahihirapang bumili ng pagkain at hindi dapat i-timing ang pagbabahagi ng paraan para dito.
Facebook Comments









