
Sasampahan ng reklamo ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang 131 na local government unit na hindi sumunod sa patakaran ng pagtatatag ng Electronic Business One-Stop-Shop (EBOSS) System sa kanilang mga lugar.
Sa Malacanang press briefing, sinabi ng ARTA Director General Ernesto Perez na ang mga naturang local government unit (LGU) ay hindi sumagot sa ipinadala nilang show cause order dahil order ng ARTA para magpaliwanag kung bakit hindi nakapagtatag ng naturang electronic system.
Ayon kay Perez, gamit ng sistema, mas napabilis ang proseso sa pag-iisyu ng business permits, na umaabot na lang ng lima hanggang sampung minuto, depende kung kumpleto na ang mga requirements.
Umaasa sila na makatutulong ang isasampang reklamo para magising ang iba pang LGU at magtatatag na ng EBOSS System.
Sa datos ng ARTA, 115 sa mahigit 1,600 na LGUs sa bansa ang nakapagtatag ng EBOSS System at target itong mapataas pa bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos.
Samantala, higit 400 LGU naman ang pinagpapaliwanag ng ARTA dahil hindi rin nakapagtatag ng EBOSS System dahil karamihan umano ay walang internet access at kulang ang pondo.
Dito sa Metro Manila, tanging bayan ng Pateros na lang umano ang hindi pa nakasunod sa patakaran.