
Hindi alam ni Vice President Sara Duterte ang mga direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil hindi ito marunong makinig at madalas kumilos para sa pansariling interes.
Bwelta ito ng palasyo sa pahayag ni VP Sara na walang direksyon ang administrasyon at hindi naman talaga nagtatarabaho si Pangulong Marcos.
Ayon kay Castro, ito mismo ang nagiging problema sa pagitan ng palasyo at ng bise presidente dahil hindi ito tumutugma sa mga direktiba ng pangulo.
Hindi rin umano utos ng pangulo ang mga naging proyekto ni VP Sara habang pinamumunuan pa niya ang Department of Education (DepEd).
Kabilang dito ang isyung P100 milyong “ghost students” at ang P5.69-bilyong feeding program na iniulat ng Commission on Audit (COA), na nagresulta umano sa pamamahagi ng bulok at may amag na pagkain sa mga estudyante.









