Vulnerable population, target ng COVID-19 vaccination program bago ang herd immunity – DOH

Uunahin ng COVID-19 vaccination program na maproteksyunan ang vulnerable population bago abutin ang target na herd immunity.

Ito ang pahayag ng Department of Health (DOH) kasunod ng statement ng World Health Organization na malabong maabot ang herd immunity ngayong taon lalo na at isinasagawa pa lamang ang roll out ng mga bakuna.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, limitado ang global supply ng mga bakuna dahil maraming bansa ang nag-aagawan para rito.


Iginiit din ni Vergeire na hindi isang bagsakan ang delivery ng bakuna kaya mas prayoridad ng pamahalaan ang vulnerable population.

Bagamat hindi madali ang pag-abot ng herd immunity, ang mahalaga aniya ay mabigyan ng proteksyon mula sa clinical diseases ang mga mababakunahan nito.

Pinag-aaralan din ng DOH kung gaano katagal ang ibinibigay na immunity ng bawat brand ng COVID-19 vaccine mula sa virus.

Facebook Comments