58 bayan at lungsod, nagdeklara na ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño

Umabot na sa 58 na lungsod at munisipalidad sa bansa ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.

Sa interview ng RMN Manila kay Task Force El Niño Spokesperson Assistant Secretary Joey Villarama, kabilang sa nagdeklara ng state of calamity anglahat ng mga bayan sa  Occidental Mindoro, Antique at Sultan Kudarat.

Sa tala ng task force, pumalo na sa ₱3.94 billion ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura kung saan ₱2.36 billion rito ay pinsala sa pananim na palay.


Nasa 73,730 din ang apektadong magsasaka na tinutulungan ng Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya ng gobyerno.

Kasabay nito, sinabi ni villarama na bagama’t humihina na ang El Niño, inaasahan pa ng task na mararamdaman ang peak ng epekto nito sa buwan ng Mayo.

Batay sa projection ng task force, nasa 80 mula sa 82 probinsya sa bansa ang posibleng tamaan ng El Niño phenomenon.

Facebook Comments