𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗡𝗚𝗡𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 𝟭, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Bagama’t wala pang eksaktong petsa, nakatakdang simulan sa Mayo ang konstruksyon ng Farm to Market Road sa Purok 7, Nungnungan 1, Cauayan, Isabela.

Ayon kay Barangay Captain Ariel M. Santos, layunin ng nasabing konstruksyon na maaayos ang kanilang kalsada upang mas mapabilis ang paglabas nila ng kanilang mga aning palay.

Dagdag pa niya, nasa isang (1) kilometro ang haba ng gagawing farm to market road.


Ang pondo ng nasabing konstruksyon ay aabot sa P10 million piso.

Bukod sa farm to market road project, nasa plano na rin ng barangay ang paglalagay ng street light upang maging maliwanag ang kanilang kalsada sa gabi.

Facebook Comments