Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na hindi dapat gawing komplikado ang ang issue ng pagpayag ng Pamahalaan sa China na makapag-explore sa Philippine Rise kasama ang mga scientist ng Pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, walang mali at naaayon sa batas ang pag-payag ng gobyerno sa China na makapag explore sa nasabing teritoryo.
Binigyang diin ni Roque na ang mahalaga dito ay sinusunod ng Pamahalaan at ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nakasaad sa batas dahil ito ang tagapagpatupad ng mga batas sa bansa.
Dag-dag pa ni Roque, hindi lang naman sa China bukas ang exploration dahil maaari namang magapply ang ibang bansa basta tiyakin lamang na masusunod ang lahat ng requirements ng batas.
Iginiit pa ni Roque na hindi dapat pagugnayin ang issue ng exploration sa arbitral rulling dahil magkaibang bagay ito kaya hindi dapat iugnay sa isat-isa.