WAG HUSGAHAN | Sec. Tugade at GM Monreal, hindi dapat agad husgahan at pagbitiwin

Manila, Philippines – Para kina Senators Grace Poe at JV Ejercito, hindi dapat husgahan agad at hulingin na magbitiw sina sina Transportation Sec. Arthur Tugade at Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal.

kasunod ito ng matinding aberya sa operasyon ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA matapos sumadsad ang Xiamen aircraft.

Ayon kay Senator Poe, magsasagawa ng pagdinig sa August 29 ang pinamumunuan niyang committee in public services kung saan mainam na mapakinggan ang paliwanag ng mga kinauukulang opisyal.


Diin ni Senator Poe makabubuting pakinggan ang ilalahad nina Tugade at Monreal patungkol sa nangyaring aksidente sa naia gayundin ang kasalukuyang estado ng modernisasyon sa mga paliparan.

Giit naman ni Senator Ejercito, mainam na hintayin ang resulta ng imbestigasyon sa insidente bago gumawa ng conlusions.

Una na ring kinontra ni Senator Chiz Escudero ang panawagang magbitiw si Secretary Tugade at GM Monreal, dahil wala namang kasiguruhan na ang papalit sa kanila ay hindi magkakamali at magsisimula sa wala para pag-aralan pa ang pagpapatakbo ng paliparan.

Facebook Comments