WAG IKALAT | PNP, nanawagan sa publiko nang huwag nang ikalat pa ang mga “terrorist scare messages” sa text at social media

Manila, Philippines – Nanawagan si PNP Spokesman Ssupt Benigno Durana sa publiko na wag pagpasa-pasahan ang mga terrorist scare messages na kumakalat sa text at social media.

Ginawa ni Durana ang pahayag matapos ang pagkalay ng mga mensahe sa text at social media na nagbabala sa publiko na umano ay unang bahagi palang ang car-bomb explosion sa basilan ng mas malawak na planong pang-gugulo ng mga terrorista.

Sa ilang bersyon ng mensahe, tinukoy pa Ang ilang mga malalaking commercial areas sa metro Manila na umano’y na-surveillance na ng mga terrorista, bilang mga susunod na target.


Giit ni Durana, walang na-monitor na threat ang PNP laban sa anumang spesipikong target at ang mga kumakalat na mensahe ay walang katotohanan.

Ayon Kay Durana, malinaw na tangka lang ng mga ganitong klaseng mensahe na lumikha panic, kaya ang dapat gawin ng sinuman na makatanggap ng ganitong mensahe ay I-delete ito agad at wag nang ipasa.

Tiniyak pa ni Durana na naglalatag ang PNP ng preventive security plan para mapigilan Ang anumang tangkang pananakot ng mga terorista sa komunidad.

Nanawagan din si Durana sa publiko na ireport agad sa national emergency hotline 911 o sa PNP text hotline 0917-847-5757 ang mga nagkakalat ng scare messages.

Facebook Comments